Isport

Pacman, hinamon ni Porter sa isang Mega Fight

Hinihintay pa ang tugon ng pambansang kamao na si Manny Pacquiao sa hamon ng isang American Professional Boxer na si Shawn Porter sa isang mega fight.

Ang paghamon ni Porter ay bunsod ng pagkapanalo sa World Boxing Council at pagpapanatili sa kanyang Welterweight Title.

Nagkaroon na ng initan sa pagitan ng dalawang boksingero na matatandaang noong 2009 habang nag-eensayo ang ating boxing champion sa laban nito kay Miguel Lotto.

Bukas rin naman siya sa ibang boksingero bukod kay Pacman tulad nina WBA Super Welterweight Champion Keith Thurman o TBR King Errol Slenie Jr.

Editoryal

Takbo, Hinto: Hinto, Takbo

Sa lahat ng klase ng laro, kailangan may timeout, hindi maaaring tuloy-tuloy sapagkat ito’y nakakapagod at nakapang-uubos ng lakas.

Kamakailan lamang, umugong ang balitang hindi na magkakaroon ng pagtatapos o ng ‘graduation’ ang mga nasa baitang anim o magsisipagtapos ng elementarya at ang baitang 10 o magsisipagtapos ng junior high sa halip ay baitang 12 na lamang.

Maraming umalma na nagpahayag ng samu’t saring reaksyon sa iba’t ibang site ng internet partikular na sa facebook. Agad naamn itong dininig ng kagawaran ng Edukasyon o ng DepEd at nilinaw na magkaroon parin ng graduation ang mga elementarya at moving-up ceremony sa junior high school students, ika-2 ng Marso taong kasalukuyan.

Kabilang sa programa o kurikulum na k-12 ang naunang pahayag, sa ibang bansa na may ganito ring uri ng kurikulum o ng edukasyon ay sadyang baitang 12 lamang ang mayroong graduation ngunit hindi ito sapat na dahilan upang sumunod sa yapak ng iba lalo pa’t nakasanayan na nating mga Pilipino ang nakagawiang tradisyon at magmartsa kahit elementarya pa lamang.

Isipin na lamang nila ang kalagayan ng mga mamamayan. Batid ng lahat ng tao na hindi lahat ng taong nabubuhay ay mayaman o kahit nga may kayaman lamang, marami pa ring isang kahig, isang tuka o minsan nga’y wala na talaga at araw-araw na buhayay kapit sa patalim, “bahala na”.
Dahil sa kahirapan, hindi lahat kayang mag-aral . May ibang pinipilit makatapos ng kahit elementarya man lamang. Paano naman silang walang kakayanan,hindi man lamang ba sila makararanas magmartsa at magkaroon ng katibayan o sertipiko na magpapatunay na hindi man sila ganoon kayaman, mayroon rin naman silang karangalang maituturing at maipagmamalaki?

Sa pagpapatupad ng mga batas, nararapat lamang na dinggin ang hinaing ng nasasakupan at sa pagsagot ng bawat suliranin kailangang tingnan ang lahat ng anggulo upang magkaroon ng katarungan at patas na pagtingin. Sa patuloy nating paglalakbay, lalo na ng mag-aaral, kailangan ring huminto at magpahinga para bukas ay babalik na ang dating lakas na huhugutin mula sa tagumpay na nalasap.

Balita

4th School-Based Press Conference, Isinasagawa

Ginanap ang Fourth School-Based Press Conference (PSBC) sa Paaralang Sekundarya ng Bagong Silangan (PSBS) noong ika-9 at muling gaganapin sa ika-16 ng Marso taong 2019, Sabado.

Sa unang araw ng PSBC ang mga gagawin, Copyreading at Headwriting, Newswriting, Feature Writing, Editorial Cartooning, Editorial Writing Science and Health Writing at Sports Writing.

Sa ikalawang araw naman ang pagpasa ng mga larawan para sa Photojourn, Individual Layout, Individual Radio Broadcasting kasabay ang pagbibigay parangal sa mga nanalong kalahok.

Kalahok ng programang ito ang mga mag-aaral ng PSBS na nais makasali sa programang ito.

Pinangunahan ito ni Mr. Ramil John Magno at mga estudyante ng 10-Alexandrite na English Journalism.

“Masaya saka exciting. Masasabi kong the best moment ever ko sa grade 10 life. Mas lalo kaming naging close ng mga friends ko dahil sa contests at ang galing dahil binigyan nila ng chance yung mga students para maipakita nila yung kakayanan nila” ani Jovic Concepcion ng 10-Amber

Isport

Gilas Pilipinas, umarangkada sa 2019 FIBA World Cup

Nanaig ang pusong palaban ng Gilas Pilipinas matapos magwagi kontra Kazakhstan noong Pebrero 24, Linggo taong kasalukuyan

Bumida ang naturalized player na si Andray Blatche na nagtala ng 41pts, 13rebs, 3asts at 2blks. Dahil sa panalo, umarangkada ang Pilinas para sa 2019 FIBA Basketball World Cup sa China.

Pinabagsak ng Pilipinas ang 2nd leg ng kanilang quilifying match na Kazakhstan sa iskor na 93-75.

Gaganapin ang 2019 FIBA Basketball World Cup sa August 31 hanggang September 15 sa China.

Noong 2014 tournament huling naglaro ang Pilipinas na ginanap sa Spain.

Balita

Musical Play,isinagawa sa PSBS

Lumahok ang mga mag-aaral ng ika-siyam na baitang sa proyekto na ginanap sa Audio Visual Room (AVR)ng Paaralang Sekondarya ng Bagong Silangan (PSBS)sa ganap na 7:15 ng umaga hanggang 11:30 ng tanghali,sa ika-walo ng Marso taong kasalukuyan.

Pinangunahan ito ng mga guro sa asignaturang ingles at sinundan ito ng mga hurado na nanggaling rin sa mga guro sa ingles.

Layunin nito na ipakita o ipabatid ang mga natatagong galing ng mga mag-aaral.Dahil ang iba’y hindi sumasali sa mga ganitong patimpalak ngunit may angking talino sa ibang larangan.Ang iba nama’y sumasali sa ganitong patimpalak ngunit hindi ganoon kahusay sa ibang larangan.

Kasama sa mga nakilahok ang pangkat Argon,Barium,Bismuth,Cadmium,Carbon,
Chlorine,Cobalt,Copper at marami pang iba na kasama sa baitang 10.

Sa pagtatapos ng patimpalak,iginawad na ang parangal sa mga nagkamit ng pinakamataas,ika-una,ikalawa,at ikatlong pwesto.

Nagkamit ang pangkat Argon ng pinakamataas na parangal.Pangkat Barium ang nakakuha ng unang pwesto.Pangkat Bismuth ang nakakuha ng ikalawang pwesto.Panghuli,nagkamit ng ikatlong pwesto ang Carbon.

Hindi magkamayaw ang saya at galak ni Gng.Caballero nang malaman ang pangkat Argon ang nanalo,ganoon din naman sa pangkat barium,bismuth at carbon.

Nabigo man ang ibang pangkat na magkamit ng parangal hindi ito dahilan upang sumabak pa sa ibang patimpalak.

Lathalain

Hinaing ni Inang kalikasan

Sa libo – libong taong nakaraan ‘di na mabilang ang mga basurang naging mistulang mga salot sa ating pamayanan na siyang bumara sa pagkamit ng karangyahan na naiwan dahil sa mabilis na pagbabago.

Hindi na maaninag pa ang kalaliman ng ilang mga kadagat – dagatan, mga isda’y nangamatay kasabay ng pag – alis na mga mangingisda sa karagatan.

Kailan mo ba aalisin ang piring sa iyong mga mata upang ika’y maliwanagan at masilayan ang totoong salot ng lipunan? Hindi ka ba nasasaktan sa tuwing napopoot ang ating inang kalikasan?

Oo, marahil mayroon pa, may makukuha pa, may mapapakinabangan mula sa biyaya ng kalikasan ngunit kakayanin mo ba kung ang iyong pinagkukuna’y napago’t naghihingalo na?

Hindi pa huli, hindi pa tapos, hindi pa nagugunaw ang mundo kaya bago maupos ang sigarilyo ay sindihan na natin ang mitsa ng pagbabago. Ipakita mo kung gaano kalaki ang iyong respeto sa kung sino ang lumikha sayo.

Ibalik natin ang dating ibinigay saatin, ibalik nating walang labis at kahit kulang ay sikaping gawing kaaya – aya sa kanyang paningin dahil ang lahat ng nakikita’t nahahawakan natin, lahat ng mga napapakinabangan natin ay hindi sariling atin.

Balita

Manila Waters, humingi ng tawad

Maraming tao ang nagalit sa Maynilad dahil sa biglaang pagkawala ng tubig mula nung Huwebes, ika-7 ng Marso hanggang Biyernes, ika-8 ng Marso ng umaga

Samakatuwid humingi ng paumanhin ang Manila Waters sa hindi pag aanunsyo sa mga customer nito

Sinabi pa na ni Dittie Galang ng Communication Manager of Manila Waters sa programang Radio Inquarer, na aminado itong hindi sya ng bigay ng paunang abiso sa mga naaapektuhan ng water service interuption

Dagdag nito, hindi rin nila inaasahan ang pagtaas ng demand ng tubig bago mangyari ang water interuption

Paliwanag ni Galang, marami ng ang nag imbak ng tubig noong naglabas sila ng anunsyo hinggil sa ipapatupad na contengincy plan

Nagpaalala ang National Water Resources Board sa publiko na maging wais at magtipid sa paggamit ng tubig.

Isport

Spurs binuwag ang winning streak ng Okc

Spurs itinumba ang Oklahoma City Thunder sa nakaraan laban nitong Ikalawa (2) ng Marso na pinangunahan ni LaMarcus Aldrgide na gumawa ng 37 pts at nauwi sa pinaka matamis na panalo.

Masisiguro na ng spurs ang kanilang puwesto sa darating na Quarter Final. Nanatili ang kupunang Spurs sa pinaka unang grupo sa hanay ng Western. Dahil sa pinakitang determinasyon ng kupunan at sa kanilang pag tutulungan nagawa nilang tambakan ang kupunang Okc at nag tapos ang kanilang laban sa 121-106.

Marahil binuhos din ng sikat na point guard ng okc nasi Russel Westbrook ay bigo padin itong mapatumba ang spurs. Madaming nag sasabi na hindi kaya ni Westbrook dalin ang kanyang kupunan kung wala ang tulong ni Paul George na ngayon ay sumasailalim sa pag papagaling ng kanyang kanang braso dahil sa minor injury na natamo laban sa Philadelphia 76xers

Lathalain

Muling ibalik

Isang inaasam kong mabalik. Ano nga ba iyon? Relasyon na natigil at nasira. Nasira ng biglaan.
Naalala mo paba nung una tayong mag kakilala ansaya saya nating dalawa. Hindi ko malilimutan ang ngiti sa ating mga labi.
Nagtatawanan,nag kukulitan hindi pa nga tayo mapaghiwalay kasi guxto natin lage tayong magkasama.
Taon rin bago tayo tuluyan ng naging walang hiya sa isat-isa. Sobrang saya diba. Sobrang saya. Masaya sa paggawa ng kalokohan, at sabay tatawanan ang lahat ng problema.
Pero hindi ko alam yung sayang ito mapuputol pala. Akala ko sapat na ako pero napalitan parin nila. Hindi ko mapaliwanag bakit ganun? Hindi ko maintindihan.Biglaan naman kasi diba. Hindi mo manlang ako sinabihan.
Parang dati lang pinapangiti kita,pinapatawa lang kita. Masaya kapa pag ako lang.Ayaw mo pa ngang mawawala ako sa tabi mo. Ultimo aong gawen kasama mo ko ganun natin kamahal ang isat isa
Pero mahal kong kaibigan bakit nag bago lahat ng iyon sa isang iglap? Parang hindi mo na ako kilala. Tuluyan ng nawasak ang puso ko nung inalisan mo ako nang puwang sa buhay mo para sa kanila. Para sa mga bago mong kaibigan. Bagong sinasabihan mo ng lahat, bagong kasama mo palage,at mga bagong pumalit sa pwesto ko bilang best friend mo.
Hindi ko alam bakit nagbago ka. Ginawa ko naman lahat. Pero mahal kita kaibigan, kaya kung saan ka masaya ay susuportahan kita. Kahit anung mangyare, andito lang ako palage.
Pero may isa lang akong kahilingan na .kaibigan alalahanin mo naman kung saan tayo nag simula. Nung tayo palang ang gumagawa ng istorya nating dalawa at nung ikaw at ako palang ang sumasabak sa lahat ng ating pag daanan. Kaibigan hihintayin ko ang iyong pag babalik. Pag babalik . Pag babalik bilang matalik kong kaibigan. MAHAL KONG KAIBIGAN

Agham

Paggamit ng Cellphone

Sa panahon ngayun makabago na ang mga naiimbentong teknolohiya.Tulad ng Cellphone, Computer at Iba pa. Cellphone na nakakatulong saten upang magkaroon tayo ng komunikasyon sa mga mahal naten sa buhay na malayo saaten.

Pakikipagchat sa mga kaibigan, Paglalaro ng mga Online games, at pagkukuha ng larawan, ilan lamang ito sa mga ginagawa ng kabataan sa kanilang mga cellphone.

Sa patuloy na paglaganap ng Makabagong teknolohiya ngayon, Ang mga kabataan ay mas naaadik na sa kani kanilang mga cellphone. Mas marami pa silang oras sa paggamit nito kaysa sa mga ibang aktibidad na tulad ng Larong Pisikal na kung saan maehersiso pa ang kanilang katawan.

Sa paggamit mo ng Cellphone may dalawang epekto ito para sa atin. Una ang Positibong epekto dahil nagdudulot ito ng mabuti sa emosyonal at sosyal.Isa pang positibong epekto nito , Napapabilis o napapadali ang pakikipagkomunikasyon sa mga mahal natin sa buhay.

Sa kabila ng mga positibong paggamit naten ng cellphone ay may negatibong epekto din ito para saaten. Isa na rito ang pagkalulong ng mga kabataan at labis na paggamit nito ay nagdudulot ng masamang epekto para saating kalusugan. Dahil din dito, Ang ilang mga estudyante ay hindi na makapag pokus sa kanilang pagaaral.

Kaya dapat nating ilagay sa tamang oras ang paggamit ng Cellphone. Iwasan ang labis na paggamit nito. Isipin naten na kahit na nakakapagpadali ito ng Pang araw araw nateng pamumuhay ay may maidudulot paren ito na masamang epekto sa ating kalusugan.