Agham

Malaking epekto

Sa ating panahon ngayon tila marami na ang na huhumaling talaga pagdating sa gadget. Mapa bata man o matanda ay updated na rin pagdating sa mga games, apps at iba pang libangan na maaari mong gawin gamit ang mga hightech na gadgets.

Ang iba naman ay ginagamit ang gadgets para gumawa o makagawa ng mga takdang aralin, research, proyekto nila at iba pa. Ngunit alam mo ba o alam ba natin ang maaaring maging sanhi nito sa ating kalusugan dahil sa labis na paggamit?

Una, Sleep Problems dahil sa labis na paggamit sa mga cellphone at iba pang gadgets ay nakakapagdulot ito ng mabagal na produksyon ng sleep hormone. Ito rin ay nangunguna sa epekto na labis na paggamit sa mga gadgets dahil sa napipigilan natin matulog kahit na antok na tayo ay sige parin sa ginagawa natin sa tapat ng mga gadgets.

Pangalawa, Tech Neck ito ay karaniwang nararamdaman nating pagkasakit sa ating mga leeg at balikat na halos ngalay na ngalay kana pero d ka parin papatinig kakagadgets. Sanhi ito ng pagsandal natin sa mga pader at upuan ng matagal habang kaharap ang mga computer o gadgets.

Pangatlo, Computer Vision Syndrome ang pagkapagod namn ito ng ating mga mata sanhi ng labis na pagtutok sa atin ng mga gadgets na nagdudulot ng pangangati at panlalabo ng ating mga mata.

Pang-apat, Laptop Laziness dito naman ay ang katamaran ng iyong katawan dahil sa kakagadgets. Pinapatamad ka nito na halos ang tuon mo lamang ay nasa cellphone mo na nakakaapekto upang mabawasan ang physical activity ng isa tao

Panglima, Poor posture dahil sa paggamit ng paggamit ng cellphone maaari itong makapagpakuba ng likuran mo sanhi ng pag-upo sa iisang posisyon sa loob ng matagal na ora.

Iyan ang iilan sa mga maaaring epekto ng labis mong paggamit o pagtutok sa iyo mga gadgets ngunit kung lilimitahan mo naman ito ay maaari ka rin makaiwas sa mga epektong ito sa ating kalusugan.

Ating ingatan at pahalagahan ang ating mga kalusugan upang sa ganon ay mabuhay pa ng matagal at walang iniindang sakit dahil sa labis na paggamit ng gadgets ng makasama pa ang mga minamahal sa buhay.

Leave a comment