Opinyon

Buwan ng Pebrero

Isa na nga ito sa Masayang buwan na Dumaraan sa ating buhay. Buwan ng Pebrero, Buwan ng pagibig ika nga.

Sasapit ang Araw ng ika-14 ng pebrero , Mga magkasintahan ay lalabas na. kakain, gagala at susulitin ang mga oras na magkasama. Dahil nga araw ng pagibig. Buwan ng pag ibig na sa mga nagiisa ay tila kalungkutan ang dala. Ganun nalang ba kapag ika’y mag isa Bawal na sumaya? Kapag mag isa ka Hindi na ba pedeng kiligin?

Maraming dahilan para sumaya.Mga kaibigan mo na nandyan handang pasayahin ka. Naghahanda ng katarantaduhan para mapangiti ka. Maraming dahilan para sumaya Pamilya mo na nandyan para sayo. Pamilya na Pwedeng bigyan ng pagmamahal mo.

Oo, minsan nakakaramdam ka ng kalungkutan. Naiinggit sa mga tropa mong may kasintahan. Pero ngayun na nag iisa ka. enjoyin mo lang ang araw ng kabataan mo.

Sa aking palagay, di naman naten kailangan maging malungkot kung tayo man ay nagiisa sa buwan na ito. Nandyan ang Diyos, Na handang iparamdam ang pagmamahal niya. Laging nandyan para yakapin ka ngunit sa paraang hindi mo nakikita. pero masaya, masaya sa pakiramdam na nandyan siya. Hindi ka niya iiwan ni sasaktan man.Papakiligin ka niya sa mga pangako niya sayu. At Hinding hindi ka niya hahayaang maging malungkot .

Ang buwan na ito ay Hindi lamang sa magkasintahan.Ang Buwan na ito Ay para sa Pagibig ng Diyos sa Sanlibutan.

Editoryal, Opinyon

Boo – late

Bulate. Salot. Sanhi ng malnutrisyon na siyang sumisira sa resistensya ng katawan. Bulate na mas mabilis pang lumaganap sa pagrami ng populasyon kailangan na bang tuldukan? Deworming kailangan na ba ng Bagong Silangan?

Ang “ deworming ” o purga ay ang pagtanggal ng bulate sa katawan ng isang tao sa pamamagitan ng pag – inom ng gamot.

Sa paglunsad ng Department of Health (DOH) ng “ Sabayang Gamutan Kontra Bulate ” maaring mabawasan ang pagkakaroon ng malnutrisyon na isa sa problema ng ating bayan.

“Maganda na magkaroon ng deworming dahil nakakatulong siya sa mga students, tapos… mahal yung gamot pamurga” , ani Camela Marie Gelera, baitang 10.

Mapupuksa ang salot o bulate kung mas lalong papaigtingin ang laban kontra bulate. Isang gamot kapalit ng libo – libong salot at milyon – milyong mga sakit.

Ilang beses nang isinagawa ang deworming sa paaralan ng Bagong Silangan ngunit bakit maraming estudyante pa rin ang hindi inaabsweltuhan ng kanilang mga magulang na uminom ng gamot pamurga?

Marami ang natatakot, marami ang hindi sigurado kung ang gamot ba na ito ay hatid ang kabutihang panlahat.

Hindi natin masisisi ang opinyon ng iba dahilan ng kontrobersiya lulan ng paglaganap ng gamot na imbis na magamit na lunas ay siya pang nagdulot ng sakit.

Hindi ka man sigurado at nagugulumihan buksan mo lang ang iyong isipan. Lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan kaya walang masama kung iyong susubukan.