
©Larawan mula sa Google
Kapag usapang paglilinis sa Manila Bay ay hindi mawawalan ng pag-asa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Kamakailan lang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipapa-rehabilitate niya ang Manila Bay. Ayon sa DENR, dapat ay nasa 100 lamang ang coliform level ng tubig sa Manila Bay. Subalit noong 2016 batay sa pag-aaral umabot ito sa mahigit 155m. Ito’y lubhang mapanganib sa kalusugan ng maliligo dito.
Ang tubig ng Manila Bay ay ang pinaka-polluted na baybayin sa bansa at gayundin sa buong mundo. Parang nagsisilbing waste-dump na umano ito para sa Metropolis, dahil nandito ang lokal na dumi mula sa imburnal at karamihan sa Manila Bay napupunta ang mga basurang tinatapon kung saan-saan at malapit sa baybayin na naging dahilan ng pagkabaho nito.
Nasimulan na ang rehabilitasyon, mahigit 5,000 mga boluntaryo na naglalayong linisin ang lugar. Ang mga boluntaryo kabilang ang mga estudyante,empleyado at mga civic organization.
Nagulat ang publiko sa bagong mukha ng Manila Bay matapos masaksihan ang positibong epekto ng programang rehabilitasyon. Pinahayag ng Department of Interior and Local Government (DILG) na patuloy silang magsasagawa ng gawain bawat linggo.

©Larawan mula sa Google
Dapat nating pasalamatan ang ating Pangulo dahil matagal nang problema ang Manila Bay at siya lamang ang tumuon ng pansin. At sa Gobyerno’t boluntaryo na tumulong upang muling mapaganda ang Manila Bay. Ngunit sana’y walang bahid na kahulugan ang nasabing rehabilitasyon. Katulad na lamang na pagpapatayo nh bagong emprastraktura, sana’y huwag sirain at tanggalin ang mga magagandang likas at tanawin natin.
