Dalawang libo labing siyam, buwan ng marso nanaman. Magbabakasyon nanaman pero saglit, dun tayo sa kasalukuyan.
Marso nanaman. Araw nanaman ng napakahalagang tao para sa ating kalalakihan. Kababaihan, kadalasang ating sinasanto at dinadalamhatian. Ang taong madalas nating di matanggihan, tila prisesang ating pinagsisilbihan.
Ang araw ng marso ay araw ng kababaihan. Ating pagsikapan sila’y pagsilbihan. Prinsesa sila ana dapat nating igalang. Mahalin sa araw araw at suportahan. Naniniwla nga ko sa kasabihan “Babae yan, respetuhin mo”.
Ang paggalang sa kababaihan ay walang pinipiling lugar o oras. Sa lahat ng pagkakataon, siguraduhing proteksyon nila’y wagas.
Isipin mo nalang diba, sila ang nagluwal sayo sa mundong ating kinatatayuan. hindi lang yan, ibat ibang sakripisyo pa ang nagagawa nila para sa ating kalalakihan.
Sila ang madalas nag-aaruga at nag-aalaga sa atin mula pa noong pagkabata hanggang sa pagtanda. Kakaibang pagmamahal ang ating natatamasa pag babae na lumambing at nag-alaga.
Isang napagandang araw sa lahat ng babaeng ating nakakasalamuha. Marso nanaman, araw nanaman ng kababaihan pero hindi na ngangahulugang ngayong buwan lamang ipakita sakanila ang tunay na pagmamahal.
Dahil hindi lang sa isang araw maipakikita ang pagmamahal kundi sa pang araw araw.










