Balita

Partidong SML, Wagi sa Eleksyong Pang – Campus

©Kuha mula sa Facebook

Wagi ang partidong Student Motivator and Leader (SML) sa naganap na botohan sa Paaralang Sekundarya ng Bagong Silangan PSBS bilang mga bagong pinunonsa Supreme Student Government (SSG) nitong ika – 8 ng Pebrero, taong 2019.

©Kuha mula sa BSHS SSG

Nanalo sina Jacqueline Reyes bilang President, Alex Cartilla bilang V-President, Zia Calaor bilang Secretary, Hyazenth Bernales bilang Treasurer, Trisha Mae Mendoza bilang Auditor, Kurt Flores bilang P.I.O., Zaldy Francia bilang Business Manager at Apple Palma bilanh Sgt. @ Arms.

Sa Grade 10 Representatives naman, nagwagi sina Jiselle Barruga, Nicole Oliver, Ashley Pamittan, at Joy Federangga. Sa Grade 9 Representatives naman, nagwagi sina Ceress Nacion, James Tinedero, Cielo Raquel at Lorena Escario at pang-huli Grade 8 Representatives nagwagi sina John Mark Bajar, Carla Jamisola, John Mark Dela Cruz at Kjiel Alfonso.

Ginaganap ang eleksyong ng mga bagong tatakbo bilang SSG ng PSBS kada taon upang mapili ang mga karapat – dapat na mamuno sa paaralan.

Sa tulong ng mga kasalukuyang SSG officers, maayos na naisagawa ang eleksyon.

Nanalo ng tuwid at patas ang partidong SML sa tulong ng kanilang mga magagandang plataporma.

“Bago pa man po sila maging officers hinasa namin sila o kumbaga trinaining namin sila kung paano ba maging isang student leaders isa nariyan ang pag papasunod sa mga studyante at pag duduty sa umaga at hapon.” ani Jonathan Viscante Sgt. @ Arms ng SSG

Agham

Social Networking Addiction

©Kuha mula sa Google

Marami sa panahon ngayon ang ganoon na lamang ang pagkalulong sa paggamit ng Social Media, tila ba parte na ito ng kanilang buhay at hindi buo ang kanilang araw kapag hindi sila gumagamit nito. Ngunit alam ba nilang ang sobrang paggamit nito ay maaaring maging masama sa kanilang kalusugan?

Napapanahon ang usapin tungkol sa “Social Networking Addiction”. Ito ay ang pagtuon ng mahabang oras ng sinuman sa paggamit ng Facebook, Twitter, Instagram at iba pang uri ng social media.

Sa ngayon, wala pang medikal na kaalaman ang nagsasabing ito’y uri ng sakit o karamdaman, ngunit dahil sa kapansin-pansing pagtutuon ng ilan ng mahabang oras dito ay mas napag uusapan ito.

Ang addiction o pagkalulong sa isang bagag o gawain ay maaaring maging epekto ng masama sa tao. Isa rito ay ang dahil sa pakiramdam na pagkasabik at pagkagustong gawin ang isang bagay ay gagawa ka ng paraan upang magawa ito, na nagiging sanhi ng pagbabalewala sa mga importanteng bagay na dapat mong gawin tulad ng pagtatrabaho o pag aaral.

Halimbawa pa sa pagkalulong sa Social Media ay ang simpleng pagbubukas ng Facebook Account, pagbabasa ng mga posts at ang pag i “stalk” sa mga facebook profiles.

Napakahirap sabihing ang pagiging masaya at pagka wili sa isang bagay o gawain ay maaring magdulot ng masamang epekto. Ayon sa mga researchers mula Chicago, ang Social Media Addiction ay maaaring maging mas malala pa kumpara sa pagiging lulong sa sigarilyo. Dahil sa pinag eksperimentuhan nila ito sa loob ng ilang linggo, lumabas na mas mataas ang posyento ng nga taong sabik sa paggamit ng social media kaysa sa paggamit ng sigarilyo at alak.

Agham

HIV/AIDS, LAGI NA LAMANG BANG USO?

©Kuha mula sa Google

Kasabay sa pagbabago ng mga henerasyon ay sya ring pagbabago ng buhay ng bawat tao, ika nga nila’y moderno. Sa patuloy na paglobo ng populasyon ay sumasabay ang paglaki ng bilang ng kaso at mga biktima ng Human Immuno Deficiency Virus na mas kilala sa tawag na HIV o AIDS.

Nagsasagawa ng iba’t ibang pagsisiyasat ang iba’t ibang ahensya upang mas mapaigting ang seguridad ng tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman tungkol dito. Gumagamit na rin ng ‘digital art’ o internet ang National Research Council of the Philippines (NCRP) upang mas mapalawig ang mga impormasyon tungkol sa paglawak ng sakop ng HIV. Katuwang nito ang ilang pang ahensyang tulad ng Department Of Science and Technology (DOST), Technology Applications and Promotions Institute (TAPI), Philippine Coucil for Health Research and Development (PCHRD) at ang National Academy of Science and Technology.

©Kuha mula sa Google

Maraming tao na ang nabibiktima sa kumakalat na virus na ito na lagi na lamang uso, walang pinipiling edad, oras o panahon at hanggang sa panahon ngayon ay mas lalo pa itong nadadagdagan at madadagdagan pa hangga’t patuloy itong naipapasa sa iba’t ibang paraan, karaniwan na sa pakikipagtalik.

Laganap na ang virus saan man kaya’t kailangang mas maging maingat, ika nga nila “prevention is better than cure”. Hindi dapat go lang go lalo na ang kabataan na maaaring ikasira ng kanilang kinabukasan dahil sa sakit na laging uso, isa lang ang sigurado, ‘yan ay ikasasama at delikado.

Isport

Warriors, kumubra laban sa Kings

©Kuha mula sa Google

Sa iskor na 36 puntos, nanguna si Stephen Curry para dipensahan ang Golden State Warriors sa dikitang laban sa Sacramento Kings na nagtapos sa iskor na 125 – 123, nitong Biyernes, ika-15 ng Pebrero.

Humataw si Kevin Durant na nag ambag ng 28 puntos, siyam na rebounda at career-high seven blocks, dinagdagan pa ito ng 17 puntos at 10 rebounds mula kay DeMarcus Cousins sa unang laro laban sa dating koponan.

Rumatsada naman si Marvin Bagley lll sa Kings na nagpakawala ng 28 puntoa at 14 rebounds, pinatungan pa ito ng 19 puntos at 7 rebounds ni Buddy Hield.

Balita

Drafting Student ng PSBS, wagi sa isang On-The-Spot Painting contest

©Kuha mula sa Facebook

Nagwagi ang isang mag-aaral ng drafting mula sa Paaralang Sekondarya ng Bagong Silangan (PSBS) noong sabado, pebrero 23 taong kasalukuyan sa On-The-Spot painting contest na ginanap sa Ever Gotesco Mall.

Pinamagatan ang kompetisyon na “Pinasayang Sining” na may temang “Ani ng Sining, Marangal, Malikhain Magbago, FILIPINO” at nilahukan ng 41 na kalahok mula sa iba’t ibang lugar.

©Kuha mula sa Facebook

Ang mag-aaral na si Cynni Kate Godinez mula sa 10-Garnet ng PSBS ang nag-uwe ng 1st place sa nasabing kompetisyon.

Inuwe niya ang sertipiko bilang 1st place at perang papremyo na nagkakahalagang 25 libong piso.

Nagsimula ang kompetisyon sa ganap na ika-2 ng hapon at nagtapos sa ika-5 din ng hapon.

Lathalain

Mga Kaibigan sa Kalye

“Hindi maganda childhood mo kung hindi mo ito naranasan”

Talaga naming nakaka-miss ang mga kaibigan natin sa kalye, mga kalaro na hangga’t di pinapauwi ng magulang ay mananatili paring naglalaro. Sino ba naman ang hindi maaliw sa larong kalye?

©Kuha mula sa Google

Si Pogs, si pogs na may dalawang mukha sila sina “Tsuyub” at “Tsaya” at ang kanilang katawan ay pabilog. Kalaro natin siya sa pamamagitan ng paghampas sa kapwa niya pogs para mapa tsaya at minsan inihahagis din, kung ano ang naiiiba iyon ang panalo.

©Kuha mula sa Google

Si Teks, siteks ay mayroon ding mukha a harap at likod ang kanyang katawan ay hugis parihaba. Kalaro natin siya sa pamamagitan ng pagpitik ng hinlalaking daliri upang mahagisat kung ano ang naiiba ay siya ang panalo.

©Kuha mula sa Google

At si Goma, ang kanyang katawan ay nababanat at kahit anong hugis ay kayang-kaya niya, may ugali din siyang kapag bumitiw na hindi na babalik pa. Kalaro natin siya sa pamamagitan ng pahagis sa kapwa goma at kapag natamaan niya ay makukuha niya si goma. Minsan kalaro natin siya sa pamamagitan ng pagbubuklod-buklod upang maging Chinese Garter.

Madaming katangian ang mga kalaro’t kaibigan natin sa kalye, bagamat sa ating henerasyon ang lagi na nating kalaro ay si Kompyuter. Ganoon paman ay hindi parin mawawala ang mga alaala ng ating Mga Kaibigan sa Kalye.

Isport

UST nalampaso ng UP

©Kuha mula sa Google

Nilampaso ng University of Santo tomas ang University of the Philippines sa iskor na 21-25,25-22,25-16,25-20 desisyon para umangat sa ikalawang puwesto sa UAAP SEASON 81 WOMEN’S VOLLEYBALL TOURNAMENT noong ika -24 ng pebrero taong kasalukuyan sa The Araneta sa San juan city.

Nagpamalas ng galing sa laro si Milena Alessandrini matapos magbitiw ng 10 attacks at tatlong blocks kasama pa ang solidong floor defense – 15 digs at 10 receptions – para pamunuan ang tigresses sa pagmartsa sa 2-1 marka .

“medyo slow start kami pero sabi ko lang na magpokus lang kami sa kung ano ang dapat gawin. Huwag kami tumingin sa mga ginagawa ng kalaban ” ani ni Kungfu Reyes,Tigresses head coach.

©Kuha mula sa Google

Naipakita talaga ang pagtutulungan ng team, Sa pag ariba nina rookie Eya Laure na bumira ng 18 puntos gayundin si Sisi Rondina na nagtarak naman ng 15 attacks at dalawang aces para dungisan ang record ng Lady Maroons.

Dominado ng tigresses ang scoring departments – attacks (51-42), Blocks (11-10) , at aces (8-3) . Sa larong umabot ng Isang oras at 46 minuto.

Laglag ang Lady Maroons sa parehong 2-1 marka para maiwan sa unahan ng standings ang nagdedepensang De la salle university na may malinis na 2-0 baraha.

Samantala sa men’s division naman, pinatumba ng FEU ang Ateneo, 20-25 , 25-22 , 25-22, 20-25 , 16-14 habang namayani naman ang UST sa UP, 26-24 , 25-27 , 25-23 , 25-13.

Lathalain

SKDT LABAN LANG!

Dedikasyon, pag-eensayo, lakas ng loob. Yan ay iilan lamang sa mga makikita mo at masisilip mo sa mga pursigidong tao na gustong makakamit ng mga parangal para sa ating paaralan.

Pawis, pagod, pagtitiis, at oras ang ginugugol para lamang makasunod at magkasabay-sabay ang mga kabataan na maisayaw ang kanilang sasayawin na may puso.

Muling nakilahok ang Sayaw Kabataan Dance Troupe (SKDT) sa naganap na patimpalak ng Rotary Club na ginanap sa Amoranto Sports Complex. Hinding hindi talaga papatalo ang SKDT ng Paaralang Sekondarya ng Bagong Silangan (PSBS).

Kahit na may ginagawang konstraksyon sa paraalan at wala na masyadong lawak para sila’y makapag-ensayo ay makikitang pursigido at walang inaatrasang laban ang mga SKDT.

Kulang man ang tulong penansyal para sa pangangalinagan ng SKDT ay patuloy na naiaahon nila ang kanilang pangangailangan sa pamamagitan ng pagtutulungan.

Walang naiiwan at walang nahuhuli para sa kanila basta’t laging magkakasama at nagtutulungan lahat ay magagawa nila ng may buong pagmamahal.

Sakatunayan may uwing tropeyo ang SKDT na nagkamit ng ikawalang pwesto sa naganap na labanan. Bakas sa kanilang mga muka ang pagod ngunit lubusan naman ang tuwa dahil sa na tanggap na parangal.

Manalo man o matalo ang SKDT ay masaya at taas noong na naibahagi at naipakita ang kahusayan nila sa larangan ng pagsasayaw. Dahil ang lahat ng sakripisyong ginawa at ginugol ay may kapalit na masarap na tagumpay sa bawat isa.

Isport

Gilas Pilipinas, wagi sa pagpasok sa 2019 FIBA World Cup

©Kuha mula sa Google

Naging matagumpay ang Gilas Pilipinas sa pagpasok sa 2019 FIBA World Cup laban sa kazakhstan noong ika-24 ng Pebrero taong 2019, Sunday sa Saryarka Velodrome, Astana.

Mainit na laban ang sumalubong sa pagitan ng dalawang qualifiers, ang Gilas at kazakhstan sa puntos na 22-21 sa unang kwarto. Nagpatuloy ito sa pangalawang kwarto na may puntos na 45-40.

Hanggang sa pangatlong kwarto, hindi parin nagpapabaya sa depensa at opensa ang mga kapanalig na Gilas sa puntos na 71-60 at dumating ang huling kwarto, na syang magiging hatol kung makakapasok ba ang Gilas sa FIBA World Cup 2019, nakapuntos sila ng 93 samantalang 75 ang Kazakhstan.

©Kuha mula sa Google

Umuwi ng may malaking ngiti sa kanilang mga mukha ang Gilas Pilipinas kasama ang mga sumuporta sa kanila.

“It was a really emotional game for us, It was either win or go home. I feel like we competed from the jump till the end“, ani Blatche.

Editoryal

Paghahanda

Lindol.Kapahamakan.Sanhi ng paggalaw ng mga lupa sa ilalim ng mundo na nagdudulot ng kasiraan sa ating kapaligiran.Lindol na kapag tumama sa ating lugar tiyak na tayo’y mawiwindang.Tama nga bang lindol ay paghandaan?Kailangan ba ito ng Paaralan?

Ang earthquake drill ay isang paghahanda na kung saan inihahanda ang bawat isa na kumilos upang maiwasan o iwasan ang magiging sanhi ng lindol.

Nag anunsyo ang National Telecommunication (NTC) ng Nationwide Earthquake Drill na maaaring makatulong sa bawat kabataan na nasa paraalan.Mabisang paraan ito upang malaman ng mga mag-aaral ang kanilang dapat gawin sa oras na tumama ang lindol.

Sa Paaralang Sekondarya ng Bagong Silangan (PSBS) ay nagkaroon ng earthquake drill noong biyernes sa ganap na ika-apat ng hapon.Kung saan ang punong guro,mga guro,mag-aaral,at kawani ng paaralan ang nakiisa sa pagsagawa ng naturang paghahanda.

“Maganda na magkaroon ng ganitong paghahanda dahil makakatulong ito upang malaman natin ang dapat gawin sa oras na magkaroon ng lindol”.ani Rizza Valerio ng 10-amber.

Mapapanatili ang seguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral laban sa mga kapahamakan kung ito’y atin paghahandaan at pagtutuonan ng pansin.

Marahil ang iilan ay hindi sang-ayon dahil sa kanilang palagay hindi magiging matagumpay kung susundin ang ganitong uri ng paghahanda.Sa palagay nila’y sa aktwal na pangyayari ay hindi ganito ang kalalabasan.

Hindi natin masisisi ang opinyon o maging ang suhestiyon ng iba,dahil lahat tayo ay mayroong kalayaan na ipabatid ang saloobin maging ito man ay sumang-ayon o hindi.

Bukas sa ating isipan na ang lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan ngunit walang mawawala kung ito’y ating susubukan.Kaligtasan man ang nakataya hindi ito hadlang upang sumuko ka bagkus ito ang magiging hamon upang lumaban ka.

Halina’t ating isabuhay ang mga paghahanda para sa sakuna upang sa atin mismo magmula ang tunay na pakikiisa at pagmamalasakit sa bawat isa.