
©Kuha mula sa Facebook
Lumahok muli ang mga pambato ng Paaralang Sekondarya ng Bagong Silangan (PSBS) sa patimpalak ng Rotary Club na ginanap sa Amoranto Sports Complex, ika – 23 ng Pebrero, taong 2019.
“ Alay ng rotary sa araw ng kabataan ” muli ang tema sa naturang patimpalak. Mula sa iba’t ibang distrito ng Quezon City ang mga kalahok.

©Kuha mula sa Facebook
Kasama sa mga nakilahok sa PSBS ang Sayaw Kabataan Dance Troupe (SKDT) at Kwerdas ng Silangan (KS) kasama ang nag – iisang kalahok na lalaban sa “ on – the – spot painting contest ” na si John Aaron Legson, ika – 10 baitang.

©Kuha mula sa Facebook
Sa pagtatapos ng patimpalak, nag – uwing muli ng karangalan ang PSBS kasama ang isang tropeyo at ngiti ng mga pambato.
Nagkamit ng ikalawang pwesto ang SKDT. Hindi naman nagkamit ng parangal ang KS dahil dalawa lamang silang kalahok sa Rondalla.
Bigo ang pambato ng PSBS sa on – the – spot painting contest ngunit maipipinta pa rin sa kanyang mukha ang tuwa at pagtanggap ng pagkatalo.
“ Ang tagumpay ay hindi lamang sa panalo, kundi pati na rin sa kasiyahan at ala – ala na naiwan sa puso ng mga nakinig dito ” , ani Jasfer Familaran, tagapagturo ng Kwerdas ng Silangan.








