
©Larawan mula sa Google
Nagsagawa ng vaccination program ang Department Of Health(DOH)upang matapos na ang pagkakaroon ng outbreak sa tigdas.Itinaas na rin ng DOH ang measles alert sa buong bansa.
Kamakailan lang ay umabot sa 55 kabataan sa Metro Manila ang naiulat na namatay dahil sa sakit na tigdas. Dahil dito, idineklara ng (DOH) na mayroong outbreak ng naturang sakit sa NCR,at kalaunan sa Central Luzon.
Base sa datos ng DOH, nagtala ng 169 kaso ng tigdas sa NCR mula Enero 1 hanggang Pebrero 6 ngayon taon, kumpara sa 26 kasong naitala noong 2018.
Sa 1,504 na pasiyenteng may tigdas sa San Lazaro Hospital, 1,355 dito ang mga batang may edad na lima at pababa.
Ang tigdas ay isang uri ng sakit na dahil sa virus na maaaring maging isang malubhang karamdaman.Ang tigdas din ay isang nakahahawang sakit na dulot ng virus na sumisira sa respiratory tract o daanan ng paghinga bago kumalat sa buong katawan.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang tigdas ay maaaring kumalat sa hangin at karaniwang naipapasa sa pamamagitan ng pagdikit sa mga taong may impeksiyon.
Karaniwang kumakalat ang tigdas sa pag-ubo o pagbahing,
Kadalasan, ang tigdas ay umaabot mula 7 -18 hanggang 21 araw.Kapag ito ay hindi kaagad naagapan, maaari itong lumala at magdulot ng malubhang sakit sa baga, bituka, utak, o kamatayan pero maaari itong maiwasan sa pamamagitan ng pagpapabakuna.

©Larawan mula sa Google
Ayon sa DOH, ang bilang ng pagbabakuna sa bansa ay bumaba sa 60 porsyento dahil sa kontrobersiyang dulot ng Dengvaxia vaccine na dapat ay panlaban sa dengue ilang mga magulang ay tinanggihan ang mga programang pangkalusugan na isinasagawa ng gobyerno, pati na ang mga libreng bakuna na maaaring pumigil sa mga sakit na tulad ng tigdas.
“Importanteng muling maibalik ang tiwala sa pagbabakuna at malinaw na ilahad na ang Dengvaxia ay walang kaugnayan sa kasalukuyang vaccination programs na noon pa man ay nagbibigay benepisyo sa mga nakakatanggap nito,” ani WHO country representative Gundo Weller.
Bagaman walang espesipikong gamot para sa tigdas, maaaring mag-reseta ang doktor ng antibiotics para mabawasan ang mga sintomas at para gamutin ang mga komplikasyong dulot ng virus.
Maaari ring maiwasan ang pagkalat ng tigdas sa pamamagitan ng pagpapanatiling malusog at malinis ang pangangatawan at kapaligiran. Kabilang na rito ang palagiang paghuhugas ng kamay, pagtakip sa bibig at ilong kapag umuubo o bumabahing, at pag-iwas sa mga taong nakikitaan ng sintomas ng sakit.